Mahigit 14-M na manggagawa ang balik na sa kani-kanilang mga trabaho simula bukas.
Ayon ito kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda kaya’t dapat na ring paghandaan ng gobyerno na madagdagan ng dalawang libo at limandaan ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang sa Mayo 31 batay na rin sa impact assessment na kanilang isinagawa sa pagbabago ng quarantine measures.
Sinabi ni Salceda na sa ilalim ng quarantine regime, ang 14. 6-M workers na balik trabaho bukas ay bukod pa sa mahigit 27-M na kasalukuyang pinahintulutang makapag trabaho on site.
Aabot naman sa 700,000 pang manggagawa ang hindi pa makakabalik sa kanilang mga trabaho.