Humina ang Bagyong Ambo at naging severe tropical storm habang tinutumbok ang Northern Quezon-Laguna area.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Agdangan, Quezon.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong papalo sa 150 kilometro kada oras.
Patuloy na makakaranas ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan ang Bicol Region, Quezon, Aurora, Marinduque, Laguna, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.