Pinaiimbestigahan ng Malakanyang ang ilang pulis sa Cavite na nambugbog umano ng lalaking lumabag sa quarantine protocol.
Sa laging handa press brieifing, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nila palalampasin ang anumang uri ng pag-abuso.
Sinabi ni Roque, kanya mismong tatawagan si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa para maimbestigahan ang pangyayari.
Una rito, lumabas sa isang ulat ang umano’y pambubugnog ng ilang pulis sa isang factory worker na sinasabing sumuway sa quarantine protocols sa General Trias Cavite.
Kinilala ang biktima na si Ronald Campo na nagtamo ng pinsala sa kanyang bungo at mga sugat sa buong katawan at kasalukuyang ginagamot Sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City.