Handa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tulungan ang sektor ng mga pampublikong sasakyan sa paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID).
Ito’y bilang pagtalima na rin sa Memorandum Circular 2020-020 na inilabas ng LTFRB na nag-aatas sa lahat ng pampublikong sasakyan na maglagay ng RFID sa mga daraan ng toll at expressways.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, layon nito na maihanda ang pampublikong transportasyon sakaling magbalik na ang biyahe papasok at palabas ng Metro Manila sa sandaling isailalim na muli ito sa general community quarantine (GCQ).
Maliban dito, sinabi ni Delgra na pinaplano na rin ng mga toll at expressway na ipatupad ang contactless transactions kung saan, limitado na lang ang mga teller na kokolekta ng toll sa mga motorista bilang bahagi ng new normal.