Malaya na muli ang mga Marikeño na makabili at maka-inom ng alak sa kanilang lugar makaraang tanggalin na ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng liquor ban.
Sa panayam ng DWIZ kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, 3:00 kahapon nang pirmahan niya ang kautusan hinggil dito.
Bagama’t maaari nang bumili at kumokonsumo ng mga nakalalasing na inumin sa Marikina, sinabi ni Teodoro na bawal pa rin itong gawin sa pampublikong lugar tulad ng mga restaurant at bar.
Una nang nag-alis ng liquor ban ang mga lungsod ng Quezon at Pasay epektibo kahapon Mayo 16 kaalinsabay ng paglalagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Pwede ng bumili pero hindi pwedeng uminom sa pampublikong lugar at sa mga bars and restaurants. So, pwede sa bahay pero sabi ko nga inom mayaman tayo ngayon, kanya-kanyang baso hindi pupwedeng magtagayan o kaya inom na sosyal yung may social distancing tayo,” ani Teodoro. — panayam mula sa Balitang 882.