Inihirit ng isang labor group kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagamit ang mga sasakyan ng gobyerno para gamiting transportasyon ng mga manggagawa.
Ito’y dahil sa mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Associated Labor Union Executive Vice Pres. Gerard Seno, karamihan aniya sa mga manggagawa mula sa micro, small and medium enterprises (MSME’s) ay walang mga sasakyan at hindi kayang bigyan ng shuttle service ng kanilang mga employer.
Dagdag pa ni Seno, pansamantala lang naman aniya ito hangga’t hindi pa naibabalik ng ganap ang mga public utility vehicles na naglalayong maiwasang kumalat muli ang sakit dulot ng COVID-19.