Umaabot sa halos P80-M ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng bagyong Ambo sa Bicol Region.
Ayon sa Department of Agriculture – Bicol, tinayang nasa mahigit 3,800 ektarya ng mga pananim ang nawasak sa walong probinsya sa rehiyon.
Anila, mais ang pinakamalaking napinsalang pananim na umaabot sa mahigit 3,000 metriko tonelada at nagkakahalag ng P52-M.
Sinusundan ng palay na umaabot sa mahigit 1,000 na nagkakahalaga naman ng P17.5-M.
Samantala pumalo naman sa mahigit 100,000 ang nawalang kita sa livestocks.