Nananawagan si Olympic Chief Thomas Bach na maging alerto at matiyaga sa isinasagawang paghahanda para sa naantalang Tokyo Summer Olympics.
Ayon kay Bach, mayroon pa silang mahigit isang taon para magpasiya hinggil sa pangangasiwa sa mga sports na kinakailangan ng human to human contact sakaling wala pa ring mabuong bakuna laban sa COVID-19.
Tiniyak ni Bach, na magiging alinsunod sa abiso ng World Health Organization (WHO) ang kanilang magiging pasiya rito.
Kaya naman iginiit ni Bach na kinakailangang maging mapagbantay at maingat ang lahat lalo na’t wala pang nakatitiyak ng mangyayari sa Hulyo ng susunod na taon.