Bubuksan na ang Watskins Glen International Auto Race Track at ilang karerahan ng kabayo sa New York City usa simula June 1.
Ito ang inanunsyo ni New York Governor Andrew Cuomo, bagama’t walang papasuking mga fans.
Ayon kay Coumo, suportado niya ang pagbabalik na ng mga sports events sa siyudad.
Magpapalabas din sila ng guidelines para sa mga sasabak sa anumang klase ng karera para matiyak na walang papasuking manonood at mga fans.
Magugunitang pansamantalang ipinasara ang lahat ng auto at horse race tracks sa New York City bunsod ng pagsirit sa bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) doon., dahilan naman ng pagkakaantala ng mga malalaking event.