Umaabot na sa kabuuang 16.4-B ang naipamahagi nang ayuda ng Department of Finance (DOF) para sa mga manggagawang benepisyaryo ng small business wage subsidy program (SBWS).
Ayon sa Social Security System (SSS), nasa 160 mga employers ang nagsumite ng aplikasyon para sa SBWS program hanggang noong deadline na May 8.
Sa kasalukuyan, halos 3-M mga empleyado na ang naaprubahan para mapasama bilang mga benepisyaryo.
Katumbas anila ito ng 86% ng target ng programa na 3.4-M mga manggagawa mula sa small business sector.
Sa ilalim ng SBWS, maaaring makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda ang isang kuwalipikadong manggagawa depende sa umiiral na minimum wage level sa lugar.