Nangako ang China na magiging “global public good” o mapakikinabangan ng publiko ang anumang malilikha nilang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Chinese President Xi Jinping, oras na matapos at makumpleto na ng China ang pananaliksi at pagbuo sa COVID-19 vaccine, kanya tinitiyak na magagamit ito ng lahat ng tao sa buong mundo.
Aniya, bahagi ito ng kontribusyon ng China para sa isang abot-kaya at accessible na bakuna hindi lamang sa mayayamang bansa kundi maging sa mga itinuturing na developing countries.
Sa kasalukuyan, mayroon nang limang posibleng bakuna laban sa COVID-19 ang isinasalang sa clinical trial sa China.