Mananatili pa rin bilang hepe ng National Capital Region Police Office si Major General Debold Sinas sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya dahil sa ginanap na birthday celebration nito.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang planong palitan sa puwesto si Sinas dahil wala rin siyang nakikitang mabigat na dahilan para sibakin ito.
Sinabi ng Pangulo, kailangan niya si Sinas sa kasalukuyang trabaho nito.
Ako ‘yung ayaw na malipat siya, he is a good officer, he’s an honest one hindi niya kasalanan kung may mangharana sa kanya sa birthday at yung mga may sabi na nakikita na walang mask syempre may mga merienda yan, may pagkain alangan namang kainin nila pati yung mask, tatangalin talaga nila kainan yun, hindi ako sang-ayon pinag-aralan ko ying merits saka demerits, kailangan ko yung tao mas kailangan ko yung tao dito sa trabaho niya,” ani Duterte.