Magsisimula nang magbasa ng metro at maghatid ng bill sa susunod na buwan ang dalawang water concessionaires.
Ang gamit sa tubig sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) mula March 17 hanggang May 31, ayon sa Manila Water at Maynilad ay iko-compute base sa average consumption ng consumer sa nakalipas na tatlong buwan o bago ang lockdown.
Sinabi ng Manila Water na sisimulan naman nila sa July 1 ang pagpuputol ng linya ng tubig ng mga hindi pa nakapagbayad ng kanilang bill na mayroong due date bago ang March 16.
Ipinabatid pa ng Manila Water na magpapadala sila ng paalala para makapagbayad ng post ECQ bills simula July 16 at sisimulan naman ang disconnection sa August 1.
Samantala magbibigay naman ng mas mahabang grace period ang Maynilad o hanggang August 31 para mabayaran ang bill sa tubig ng kanilang customers mula March hanggang may kabilang ang mga hindi nabayaran noong Pebrero na hindi nabayaran dahil sa ECQ.
Ang notice of disconnections naman anito ay magsisimulang mailagay sa September bill.