Naniniwala si national team coach Tab Baldwin na may magandang kinabukasan pa ang darating sa Gilas Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng masaklap at kontrobersyal na pagkatalo ng Gilas kontra China sa finals ng FIBA Asia Championship sa iskor na 67-78.
Inamin ni Baldwin na masakit at hindi niya maitago ang pagkadismaya sa pagkatalo ng Gilas lalo’t alam nitong ibinigay lahat ng kanyang manlalaro ang kanilang kakayahan.
Gayunman, sinabi ni Baldwin na kanilang pag-aaralang mabuti ang mga naging pagkakamali sa laban upang hindi na aniya maulit pa sa olympic qualifying round.
By Ralph Obina
*Video Courtesy of: Raoul Esperas (Patrol 45)