Isinailalim sa quarantine ang mga pulis na sumalakay sa isang ilegal na ospital para sa mga Chinese sa Clark Freeport Zone.
Ayon kay Brig. Gen. Rhoderick Armamento ng PNP-CIDG, may mga pulis sa raiding team na hindi nakasuot ng personal protective equipment (PPE) nang isagawa ang pagsalakay.
Naabutan ng grupo ang isang pasyenteng Intsik sa makeshift medical facility na nagpapagamot ng pananakit ng lalamunan at ulo.
Nakakumpiska rin ng maraming gamit nang hiringgilya at testing kits na di umano’y nakakalat lang sa pasilidad.
Sinabi ni Armamento na sa ngayon ay problemado sila sa contact tracing dahil nakasulat sa Chinese ang lahat ng record ng hinihinalang ospital para sa mga Intsik.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa food and drug administration law at medicine act of 1958 ang may ari ng pasilidad.