Ipinasara muna pansamantala ang judicial complex ng lungsod ng Caloocan, matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang staff ng office of the city prosecutor.
Ayon kay Executive Judge Victoriano Cabanos, habang nakasara ang naturang complex, isasailalim ito sa disinfection.
Dagdag pa ni Judge Cabanos, ito’y isa lamang sa mga precautionary measures na ipinatutupad ng lungsod, para maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus.
Kasunod nito, hihintayin muna and resulta ng confirmatory test sa naturang empleyado ng Office of the City Prosecutor bago muling buksan ang mga RTC, MTC maging ang tanggapan ng clerk of court sa lungsod.
Samantala, bagamat sinarado ang mga korte sa lungsod ng Caloocan, magpapatuloy naman ang e-filings at hearings sa pamamagitan ng video conferencing.