Isinailalim na ang Northern Samar sa state of calamity makaaraang hagupitin ito ng mapaminsalang Bagyong Ambo.
Sa bisa ng deklarasyong ito, maaaring gamitin ng provincial government ang calamity funds, para ipambili ng mga ibibigay na ayuda sa mga naapektuhang pamilya.
Sa pinakabagong datos ng pdrrmo o provincial disaster risk reduction management office, pumalo na sa higit 100-libong pamilya ang nawalan ng tirahan sa northern samar dahil sa hagupit ni Ambo.
Kasunod nito, umabot ng P127.2M ang kabuuang halaga ng pinsalang natamo ng imprastraktura, habang nasa P93.47M naman ang naitalang pinsala sa agrikultura ng probinsya.