Maaari nang makita sa online ang quarantine clearance ng mahigit 1,000 pang Overseas Filipino Workers (OFW)’s na una nang nag negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) SA RT PCR test na isinagawa ng sub task group for the repatriation of OFW’s.
Uubrang ma download ang quarantine clearance sa link na http://shorturl.at/dekhl.
Ayon sa mga otoridadmaaari ring i-screen shot na lamang ang quarantine clearance at ipakita ito sa PCG, OWWA o Bureau of Quarantine Personnel sa kanilang quarantine facility para ma clear at mapaayagang makauwi na sa kani kanilang pamilya.
Kahapon, Mayo 21 inilabas ang unang batch ng mga mayruon nang quarantine clearance na nasa halos 15,000 OFW’s
Ang online release ng quarantine clearance ay inaprubahan ng DND, PCG, OWWA at BOQ para mapabilis ang repatriation ng OFW’s sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.