Nakipag-sanib puwersa ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mobile money service na Gcash para sa cashless o contactless transactions sa mga taxi at transport network vehicle services (TNVS).
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade magiging bahagi na ng new normal ang cashless o contactless payment schemes sa mga pampublikong transportasyon
Hindi aniya ito dapat ituring ng operators na dagdag gastos kundi pag iingat lamang para maiwasan ang physical contact sa pagitan ng mga driver at pasahero at para hindi na rin kumalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Magagamit ng taxi drivers ang Gcash sa pagtanggap ng digital payments sa pamamagitan ng scan to pay (STP) app sa pamamagitan din ng QR technology nito.