Pinalawig pa ng Peru ang ipinatutupad nitong state of emergency at nationwide lockdown hanggang sa katapusan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sinasabing ito na ang pinakamahabang panahon ng mandatory isolation ng isang bansa na dulot pa rin ng coronavirus outbreak.
Ito rin ang ikalimang pagkakataon na pinalawig ang lockdown sa Peru na mayroong 32 milyon na populasyon.