Malapit nang matapos ang ginawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagbagsak ng Bell 429 helicopter sa San Pedro, Laguna nuong Marso.
Ayon kay PNP spokesman P/BGen. Bernard Banac, kanila na lamang hinihintay ang transcript ng lahat ng mga ginawang komunikasyon bago lumpiad ang helicopter hanggang sa bumagsak na ito.
Aniya, naantala lang ng bahagya ang imbestigasyon dahil sa pina-iral na dalawang buwang lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19 pandemic.
Gayunman, umaasa ang PNP na kanila nang isasapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa aksidente sakaling pumasok na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ).
Magugunita na sakay ng bumagsak na chopper ang mga opisyal ng PNP sa pangunguna ni P/Gen. Archie Gamboa, M/Gen. Mariel Magaway na nakalabas na ng ospital, M/Gen. Jovic Ramos na nagtamo rin ng matinding pinsala, B/Gen. Bernard Banac, at tatlo pang pulis.