Nanganganib na bumaba ang deployment rate ng mga manggagawang Pinoy na ipinadadala sa ibang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ito ay dahil pa rin sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Paliwanag ni Manny Geslani isang recruitment at migration expert, bagsak kasi ang ekonomiya sa Middle East kung saan puntahan ng maraming Overseas Filipino Worker (OFW).
Ani Geslani tiyak na matatagalan bago muling makabangon ang mga bansa sa gitnang silangan.
Mahihirapan din aniyang makapagpadala ng mga OFW sa mga bansa sa Europe dahil sa marami rin dito ang naka-lockdown.
Gayunman sinabi ni Geslani na may pag-asa pang nakikita para sa mga OFW sa bansang Hong Kong at Taiwan.
Marami kasi umanong factories ang nagsara sa China kaya posibleng maraming lumipat na kliyente sa Taiwan.