Nagbigay ng ultimatum ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan para mapauwi na sa kani-kanilang probinsya ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na matagal nang tapos sa quarantine at nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang linggo ang ibinigay ng pangulo sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para isagawa ang kanyang direktiba.
Bilin anya ng pangulo, maaaring gamitin ang mga resources ng pamahalaan at lahat ng transportasyon upang mapauwi na ang mga OFWs.
Ipinag-utos na rin anya ng pangulo na palawakin ang PCR testing sa ibang lugar upang diretso na sa kanilang lalawigan ang mga uuwing OFWs at doon na isalang sa COVID-19 test at quarantine.
Tinatayang 24,000 OFWs ang sinasabing nananatili sa quarantine facilities sa Metro Manila kahit tapos na sa kanilang quarantine at COVID-19 test.
May napaulat pang nagpakamatay na dahil sa matinding depression.
Ang mahigit 30 flights ng ating mga kababayan na OFWs na papauwi sa kani-kanilang mga bahay. Unang ara wpa lamang po ito. Ang gma kababayan na OFWs sa Luzon ay inihatid naman sakay ng bus at ‘yung iba naman po ay sa barko,” ani Roque.