Unti-unti nang nagtatagumpay ang Pilipinas sa laban nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pahayag ito ni Dr. Ted Herbosa, isa sa mga special advisers ng COVID-19 National Task Force.
Ayon kay Herbosa, bunga ito ng unti-unting pag-agapay na ng ating health care system sa mga bagong kaso at improvement pagdating sa panggagamot ng COVID-19 patients.
Umaabot na rin anya sa 10 araw ang doubling time o panahon kung kailan nadodoble ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.
Patuloy rin anya ang pagbaba ng bilang ng nasasawi sa COVID-19 at dumarami ang bilang ng mga gumagaling sa sakit.
Aminado si Herbosa na mas maganda ang health care system ng ibang mga bansa sa Asya kung kaya’t medyo nahuhuli ang Pilipinas.