Isa pang barangay sa Pasay City ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine (EECQ) lockdown.
Sa memorandum na inilabas ni Pasay City Administrator Dennis Acorda, ipinag-utos ang EECQ sa Barangay 183 matapos na umabot na sa pito ang kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng EECQ, tanging ang mga kabahayang walang PUIs at PUMs ang papayagang makalabas ng extreme quarantine area subalit para lamang bumili ng kanilang pangangailangan.
Tatagal ang EECQ sa Barangay 183 hanggang sa June 7.