Ikinatuwa ni Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task force coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang kooperasyon ng local government units (LGU)’s sa Cebu katuwang ang mga pribadong sektor kontra sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ang pagtutulungan ng dalawang sektor ay naselyuhan makaraang bumisita si Galvez sa Cebu, upang alamin ang kalagayan ng lalawigan makaraang magtala ito ng higit 2,000 kaso ng COVID-19.
Ani Secretary Galvez, ang binuong pagtutulungan ay tiyak na mapaoalakas pang lalo ang pakikipaglaban ng pamahalaang lokal ng Cebu sa naturang virus.
Samantala, ikinatura rin ni Secretary Galvez ang ginawang strategic rapid testing, sa mga malalaking lungsod sa Cebu.
Ito’y alinsunod sa kahustuhan ng pamahalaan na mapataas pa ng bansa ang testing capacity nito at mapigil ang second wave ng virus.