Nag-sorry kay Bulacan Governor Daniel Fernando ang pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos na hindi padaanin ang gobernador sa SBMA.
Gayunman iginiit ni SBMA Chairperson Wilma Eisma na trabaho niyang protektahan ang subic bay freeport kayat tanging essentials lamang at relief goods ang pinapayagang dumaan sa SBMA.
Ayon kay Eisma ngayon na lang sinasabi ni Fernando na cash ang ibibigay niya sa mga taga-Morong, Bataan taliwas sa naunang pahayag nito na relief goods ang dadalahin nila sa nasabing bayan kung saanna wala naman nang inspeksyunin ang tatlong sasakyan na kasama ng gobernador sa kaniyang convoy.
Binigyang diin ni eisma na sana ay maintindihan ng gobernador na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho para ma protektahan ang kalusugan ng lahat.