Duda si Lt. General Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID Shield sa report na ‘sex for pass’ na nangyayari sa mga checkpoints.
Gayunman, hindi anya nila inaalis ang posibilidad na mangyari nga ito kaya’t pinaiimbestigahan na ito sa PNP CIDG.
Sinabi ni Eleazar na wala naman silang natatanggap na ganitong report o reklamo maliban sa inilabas na report ng Rappler.
Makakatiyak anya ang publiko na mapaparusahan ang mga pulis na sangkot sa ‘sex for pass’ kung totoo ito, gayundin naman ang Rappler kung mapatunayang wala namang katotohanan ang kanilang report.
Kaya nga po napakahirap tanggapin din at hindi ko maisip na pagdating doon, para lang makapasok ay kailangang makipagtalik (…), saan niyo gagawin ‘yon at paano niyo gagawin ‘yon? So, these are the things that we have to consider pero just the same, lahat po ng mga bagay na ito ay very alarming kung totoo, kaya po gusto naming maimbestigahan,” ani Eleazar.
Kasabay nito ay nanawagan si Eleazar kung mayroon mang biktima ng ‘sex for pass’ na lumutang upang mabigyan sila ng hustisya.
Hindi po natin sinasarado ‘yung posibilidad, pero an gaming pakiusap doon po sa biktima, para maliwanagan lahat at hind imaging sanhi ng para bang dagok na naman sa aming organisasyon, kayo po sana ay lumutang, makipag-ugnayan sa sinumang kakilala niyo, or kung, sinasabi ko nga, sa Women and Children Protection Desk, at sinisigurado po naming ang inyong privacy pati na tin po ang confidentiality,” ani Eleazar. —sa panayam ng Ratsada Balita