Naniniwala si San Juan City Mayor Francis Zamora na handa na ang kanilang syudad para sa ‘new normal’.
Ayon kay Zamora, bago pa man ipinatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila ay sinimulan na nila ang paghahanda.
Wala anyang masyadong taong lumalabas sa mga kalsada ng San Juan dahil linggo-linggo silang nagbibigay ng ayuda lalo na sa mahihirap na pamilya.
Umaabot na rin anya sa syam at kalahating araw ang doubling time o panahon bago magdoble ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa syudad.
Ang mga tiangge anya sa Greenhills na pinayagang magbukas ngayong MECQ ay mahigpit na sumusunod sa protocols tulad na lamang ng one way na daanan upang hindi magsalubungan ang mga tao.
Binigyang diin ni Zamora na kailangan nang magbukas ang ekonomiya dahil paubos na ang kanilang pondo.