Aabot sa 200 tricycle driver sa Mandaluyong City ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ang nasabing bilang ay mula sa 7,000 tsuper ng tricycle na sinuri.
Wala naman umanong sintomas ng sakit ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Gayunman naka-isolate na ang mga ito sa quarantine facility habang hinihintay ang resulta ng PCR test.
Pinapayagan na muli ang pagbyahe ng mga tricycle sa Mandaluyong ngunit kailangan muna ng katibayan na negatibo sila sa COVID-19.