Welcome sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alok na cashless payment options ng PayMaya sa public utility vehicle (PUV) drivers at operators.
Ito ayon kay DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon ay para malimitahan ang direktang human contact bilang bahagi ng pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra III na ang cashless payment sa mga taxi at TNVS ay bahagi na ng new normal.
Alok ng PayMaya sa taxi at transport network companies, sa mga driver, ang kanilang QR scan to pay capabilities sa pamamagitan ng mobile app para makatanggap ng contactless payments ang drivers at transport operators gamit ang credit, debit, at prepaid cards sa pamamagitan ng tap to pay technology sa tulong ng digital payment solutions ng PayMaya.