Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Occidental dakong 3:46 p.m. ngayong Miyerkules, Mayo 27.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 51 kilometro timog kanluran ng bayan ng Sarangani.
Sinasabing ‘tectonic’ ang pinagmula ng lindol na may lalim na 185 kilometero.
Dagdag ng Phivolcs, wala namang nasirang ari-arian, nasawi o nasaktan at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.