Laglag sa kamay ng mga awtoridad ang isang lolo at isang benepisyaryo ng government subsidy program sa ikinasang buy-bust operations sa Iligan City.
Ayon sa pulisya, binentahan ng tatlong sachet ng 60-anyos na lalaking suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Aabot umano sa P100,000 ang halaga ng bawal na droga na nasabat mula sa kanya.
Samantala, timbog din ang isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isa pang buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Santa Felomina.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.