Kapwa tiniyak ng Pilipinas at Vietnam na tutuparin ang kanilang pangako na isulong ang kapayapaan at kaayusan sa South China Sea.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), nagkausap sa telepono si Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.
Nagkasundo ang dalawang lider na mapayapang reresolbahin ng dalawang bansa ang anomang isyu kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo.
Ang Pilipinas at Vietnam ay parehas na ipinaglalaban sa China ang karapatan nito sa nabanggit na teritoryo.