Isang Pinoy na crew member ng isang cruise ship ang natagpuang patay sa loob ng barko.
Base sa statement ng U.S. Coast Guard na iniulat ng Agence France-Presse, self-inflicted harm ang ikinasawi ng Pinoy crew member.
Naabutan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang maiden voyage sana ng Scarlet Lady cruise ship noong Marso kaya’t napapalutang-lutang lamang ito sa karagatan ng Florida.
Unang iniulat ang pagkamatay ng Pinoy crew ng Scarlet Lady sa blog na cruise law news.
Sinasabi ring pang anim na ito sa mga crew members sa iba’t ibang panig ng mundo na hinihinalang nagpakamatay.