Tutulong na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtunton sa mga underground clinics para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tila nagkalat ang clandestine medical clinics na ang mga pasyente ay mga dayuhan.
Sinabi ni Guevarra na hindi malayong makompromiso ang kalusugan ng mga pasyenteng nagtutungo sa mga clinics na hindi naman otorisado ng pamahalaan.
Ilan sa mga illegal clinics na nasalakay ng pulisya ay sa Parañaque, sa Fontana sa Clark at sa Makati City.
Batay sa paunang impormasyon, pawang mga Chinese nationals ang pasyente sa mga ilegal na klinika para sa COVID-19.