Nasa halos P12-B ang kakailanganing budget ng Department of Health (DOH) para makakuha ng dagdag na contact tracers sa gitna na rin ng ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kailangang makakuha ang bansa ng 95 contact tracers para maabot ang ideal ration ng isang tracer sa kada walong daan katao tulad ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni vergeire na makikipag ugnayan sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mangangasiwa rito partikular sa training ng contact tracers
Una nang nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa local chief executives ng mga lugar na walang kaso ng COVID-19 na simulan nang bumuo ng contact tracing teams.