Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang La Union.
Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang pagyanig sa layong 17 kilometro hilagang kanluran ng San Fernando City.
Sinasabing ‘tectonic’ ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 81 kilometro.
Dagdag ng PHIVOLCS, bagama’t walang naitalang pinsala o nasawi, inaasahan naman ang pagkakaroon ng aftershocks.