Nanawagan sa coronavirus task force si Cebu City Mayor Edgar Labella na luwagan ang ipinatutupad na lockdown sa lungsod bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon sa kanyang nasasakupan.
Sa kanyang liham na ipinadala sa regional task force na nangunguna sa pagtugon sa COVID-19 crisis, binanggit ni Labella na handa na ang kanyang siyudad na maisalang sa general community quarantine (GQC).
Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroon nang 2,013 COVID-19 infections sa Cebu kung saan 394 ang gumaling at 25 ang nasawi o katumbas ng 1.2 percent na fatality rate.
Giit ni Labella, nagbubunga na ang ginagawa nilang strategic community testing kaya’t kumpiyansa siyang dapat nang mailagay ang lungsod sa GCQ.