Nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang hindi otorisadong coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ng nasa 200 Chinese sa siyudad.
Isinagawa ang mass testing sa garden area ng BF Homes ng nasabing siyudad.
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez agad niya itong ipinatigil at pinagkukuha ang pangalan ng mga sangkot sa operasyon.
Ani Olivarez, walang koordinasyon ang naturang pagsasagawa ng testing sa city hall o city health office.