Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang lalaking Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi pa lamang sa Hilongos, Leyte.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang pasyente ay 31-anyos at cruise ship worker na dumating sa Tacloban City airport noong Lunes.
Sinabi naman ni DOH Eastern Visayas Director Minerva Molon na ‘asymptomatic’ o hindi nakitaan ng mga sintomas ang nabanggit na OFW kaya’t agad itong dinala sa local isolation facility.
Dahil dito, agad dinbg magsasagawa ng contact tracing ang mga taga-DOH sa tulong na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine National Police, at mga lokal na pamahalaan.