Inamin ng OWWA na ang limitadong transportasyon ang dahilan kay’at natengga ang maraming Overseas Filipino Workers (OFW)’s sa quarantine facilities sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito nang panenermon ni House Committee on Labor Chair Eric Pineda kay OWWA Chief Hans Cacdac matapos ang reklamo ng mga ofw na natagalan pa sa quarantine facilities gayung lumabas na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) result na negatibo sila.
Iginiit ni Pineda na maraming paraan na uubrang gawin ang OWWA dahil may mga sasakyan naman ang gobyerno na magagamit lalo na sa mga hindi na kailangang sumakay ng eroplano.
Kaya aniya lumaki ang gastos ng OWWA sa hotel accommodation at pagkain ng mga OFW’s dahil sa matagal na pananatili sa Metro Manila.