Humihingi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit P15-B na budget para matulungan ang displaced Overseas Filipino Workers (OFW)’s hanggang sa susunod na taon.
Sinabi ni Labor Assistant Secretary Alice Visperas sa virtual hearing ng house committee on overseas workers affairs na mahigit 1-M OFW’s ang nakikita nilang mawawalan ng trabaho hanggang sa katapusan ng 2021.
Inamin ni Visperas na kinukulang na ang alokasyong ibinigay sa kanila sa mga programang nakalaan sa mga ofws na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng akap cash assistance.
Sa halos 500,000 aplikante sa nasabing programa ipinabatid ni visperas na kalahati pa lamang dito ay nabigyan ng cash subsidy na pinondohan ng P2.5-B.