Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng grupo ng mga employer sa pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila bukas, Hunyo 1.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis, bagama’t unti-unti nang makababangon ang ekonomiya sa pagbubukas ng mga industriya, tila hindi naman handa ang gobyerno.
Aniya, lubhang limitado pa rin naman ang pampublikong sasakyan na bibiyahe sa mga lansangan kaya’t tiyak na dobleng pahirap naman ito sa mga manggagawa gayundin sa mga kumpaniyang magbubukas na.
Dagdag pa ni Ortiz Luis, magpapakiramdaman pa ang mga maliliit na negosyo kung makasasabay na sila sa new normal o hindi.