Isa-isang sinagot ni ABS-CBN President and Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak ang mga alegasyong ibinabato sa kanilang kumpanya.
Sa joint hearing ng house committee on legislative franchises at good government and public accountability, sinabi ni Katigbak na ang tinutukoy na probisyon ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta hinggil sa mahigit 50 taong paggamit ng airwaves ng Kapamilya network ay 50-year cap na ibinibigay sa bawat franchise application.
Bukod ditto, binigyang diin ni Katigbak na Pilipino si ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio Gabby Lopez III dahil batay sa 1935 Constitution na kung ang ama ng isang tao ay isang Pilipino, maituturing na rin itong Pilipino.
Una na ring inihayag ni Marcoleta na isang American citizen si Lopez nang maupo bilang ‘big boss’ ng media giant noong 1996.