Nagpaliwanag ang pamunuan ng MRT-3 kung bakit hindi pinapayagang sumakay ang mga senior citizen at mga buntis.
Ito’y matapos may ilang mga senior citizen at buntis na nagbakasaling makakasakay sa MRT sa muling pagbabalik operasyon ng mga tren sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Engr. Michael Capati, director for operations ng MRT-3, sumusunod lamang sila sa panuntunan na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Ani Capati, nasa guidelines ng IATF na hindi maaaring pasakayin sa tren ang mga 21-anyos pababa, 60-taong gulang pataas at mga buntis dahil sila aniya ang maituturing na susceptible o masyadong prone sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Capati na maaari lamang silang pasakayin sa tren kung talagang emergency o may essential silang kailangan bilhin.