Nakatakdang ilabas ang hatol sa kasong cyber libel laban sa news outfit na Rappler, chief executive officer (CEO) nito na si Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos sa ika-15 ng Hunyo.
Batay sa abiso na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46, gagawin ang promulgation of judgment sa ika-15 ng Hunyo sa ganap na alas-8:30 ng umaga.
Ang naturang kaso ay isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng na sinasabing niyurakan ng mga akusado ang kaniyang reputasyon.
Ito’y kaugnay sa artikulong inilabas ng Rappler noong Mayo ng taong 2012 kung saan iniuugnay si Keng kay dating Chief Justince Renato Corona at ang umano’y intelligence report na nagsasabing may kahina-hinalang nakaraan ang negosyante.
Noong ika-3 ng Abril sana nakatakdang ilabas ang hatol ngunit naantala ito dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.