Ibinasura ng Norzagaray, Bulacan Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban kina dating Anakpawis Representative Ariel Casilao at ilang Anakpawis volunteers na magsasagawa sana ng relief operation sa nasabing bayan noong Abril.
Kaugnay umano ito sa paglabag sa Republic Act 113332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.
Sinasabing naging basehan sa kasong isinampa ay ang kawalan ng mga ito ng travel o quarantine pass na hindi naman sinang-ayunan ng korte.
Samantala, inaantabayanan pa ang desisyon ng korte kaugnay sa iba pang kasong sedition at usurpation of authority.
Naniniwala naman si Casilao na isang political persecution sa mga kritiko ng gobyerno ang mga ganitong klaseng hakbang.