Nagboluntaryo ang ilang bike advocates na magsilbing marshals para ayudahan ang mga nagbi bisikleta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Gumawa ng makeshift traffic barriers ang mga advocates na nagpakilalang bikers united marshalls gamit ang mga recycled na bote ng tubig at tumayo sa gitna na may bitbit na traffic sign na caution bike lane.
Ayon sa grupo ..ang commonwealth avenue ang mayruong pinakamataas na bike traffic sa Metro Manila kapag rush hour.
Ang pagbi bisikleta ay kabilang na sa nagsisilbing transportasyon ng mga pilipino sa ilalim ng new normal dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.