Dumating na sa Philippine Coastguard sa Maynila ang 28 mga mangingisdang nasagip matapos na mawala sa kasagsagan ng bagyong Kabayan.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, ang mga mangingisda ay nasagip ng 2 dumadaan na barko habang sila ay nagpapalutang lutang sa dagat.
May mga sugat at maga ang kamay at paa ng mga mangingisda dahil sa ilang araw na pagkababad sa tubig.
Agad namang pauuwiin sa Bolinao, Pangasinan ang naturang mga mangingisda sa oras na bigyan ng go signal ng doctor.
By: Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 5)